Seller FAQ

MyTiangge – Seller FAQ

Quick answers for new and existing sellers. For the full playbook, see the Seller Onboarding Guide.

1. About MyTiangge

Q: Ano ang MyTiangge?
Online community site para sa pagbebenta—parang barangay tiangge, pero digital. Puwedeng magbenta ang small biz owners, hobbyists, sari-sari stores, resellers, food vendors, freelancers, at sinumang may produkto o serbisyo. Buyers makakahanap ng bargains, suki deals, pagkain, at unique finds.
Q: Sino puwedeng magbenta?
Kahit sino! Walang minimum capital. Puwede ang bagong produkto, preloved, hand-made, food items, at digital products.

2. Becoming a Seller

Q: May joining fee ba?
Wala. Ang site ay supported by a small platform commission per completed order at standard payment processing fees (see Fees section).
Q: Kailangan ba ng DTI o business permit?
Hindi required para makapagsimula. Casual sellers (sideline, hobby, preloved) puwede agad. Kapag lumaki ang benta, recommended mag-register (DTI/BIR) para compliant at mas credible sa buyers.
Q: Paano mag-sign up?
Fill up the Seller Registration Form. Required ngayon ang:
  • Shop & owner details
  • Valid Government-issued ID (dapat tugma ang pangalan sa ire-register na seller)
Once approved, magkakaroon ka ng access sa Seller Dashboard para makapag-list ng items.

3. Fees & Payouts

Q: Magkano ang fees?
  • Commission: 10% + ₱12 per order (fixed, transparent)
  • Processing Fee: Pass-through ng payment gateway (hindi napupunta sa MyTiangge)
Example: ₱1,000 order → less ₱100 (commission) → less gateway charge (~₱12–₱20) → est. net payout ~₱880.
👉 Full breakdown: Fee Guide.
Q: Kailan ako mababayaran?
  • Kapag ni-mark na ng buyer ang “Order Received”, isasama sa next payout cycle.
  • Kung hindi i-mark ng buyer, system auto-confirms after 7 days.
  • Weekly payouts every Friday.

4. Listing & Orders

Q: Paano mag-list ng product?
Sa Seller Dashboard, mag-upload ng malinaw na photos, maglagay ng accurate description, price, stock, at tamang shipping weight/dimensions.
Q: Puwede ba ang pre-order o custom-made?
Oo, puwede. Idagdag sa product description ang lead time (e.g., “Ships in 7 days”).
Q: Puwede bang makipag-deal direkta sa buyer (outside the site)?
Hindi puwede. Bakit?
  1. Maliit ang fees at napupunta sa upkeep & maintenance ng site (hosting, security, support, tools).
  2. Payment processing fees ay para sa gateway—hindi sa amin.
  3. Kapag off-site, mawawala ang seller protection (walang payout assurance at mahirap ang proof trail).
Please cooperate and contribute para tuloy-tuloy ang serbisyo sa lahat ng sellers.

5. Shipping & Handling

Q: Sino ang mag-aasikaso ng shipping?
Seller ang pipili at magbo-book ng courier. Options: Grab/Lalamove (same-day), LBC (provincial), J&T/Flash (budget), JRS (selected areas).
📌 Buyer shoulders shipping fee unless free shipping is offered.
Q: Paano iseset ang shipping fee?
Ilagay ang tamang packed size & weight. Couriers use volumetric weight, kaya laging sukatin ang nakabalot na item.
Q: Ilang araw dapat bago i-ship out?
Standard ay 2–3 days para sa ready stock. Para sa pre-order/custom, isulat sa description ang timeline.

6. Support

Q: Paano ang refund/return?
Allowed kung damaged/defective, not as described, o kulang ang parts. Change of mind is not covered unless pinapayagan ng seller.
📌 Payment processing fees are non-refundable (unless seller chooses to absorb).
Q: Paano kung may issue sa order o sa courier/buyer communication?
  1. Makipag-ayos muna directly sa buyer via order chat (clear photos/proof help a lot).
  2. Kung courier concern, i-escalate sa courier at mag-attach ng proof (waybill/booking screenshot, chat logs).
  3. Kung hindi pa rin ma-resolve, email info@mytiangge.com with order # at proofs para makatulong kami sa coordination.
We step in only when buyer and seller cannot reach a resolution.

7. Extra Help

Q: May step-by-step guide ba para sa bagong sellers?
Oo—kumpletong instructions on account setup, listing basics, shipping best practices, proof of shipment, at payout flow: Seller Onboarding Guide.

Tip: For faster approval, siguraduhing tama ang product details at shipping info.